Nasa 100 pamilya naka-lockdown sa Road 23 sa Quezon City

Umaabot sa isangdaang pamilya ang nasa Special Concern Lockdown Area sa road 23, Barangay Bahay Toro, Proj. 8, Quezon City.

Binubuo ito ng tatlongdaang indibidwal, kung saan siyam ang nagpositibo.

Ayon kay Kagawad Domeng Yang, nagsimula ang lockdown noon pang Mayo 4, 2021 at ito ay patuloy na sinusubaybayan ng Barangay Health Emergency Response Team o BHEET, sa pangunguna ni Avie Parsuelo.

Aniya, sa tulong ng Quezon City government at non-government organizations, ay hinahatiran nila ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ang mga naka-lockdown.

Ulat ni Roger Manzano

Please follow and like us: