National Art Fair Exhibit 2021, isinagawa sa BGC Taguig

Nagsagawa ng isang flagship event ang National Commission for Culture and the Arts o NCCA, kaugnay ng Museums and Galleries Month na ipinagdiriwang tuwing Oktubre, na tinawag na ManilART.

Ang naturang art fair ay nagsimula kahapon, October 21 at tatagal hanggang October 24 at ang showroom ay nasa 3rd floor ng SMX Convention Center sa SM Aura Premier sa Taguig City.

Ikinuwento ni Danny Rayos del Sol, isa sa curator ng ManilART, The National Art Fair ng NCCA, at ng Annual Sculpture Review o ASR, ang istoryang nakapaloob sa isang magandang art piece na kolaborasyon nila ng wood artist na si Agi Pagkatipunan.

Samantala, hinikayat ni Taguig Representative Lani Cayetano ang publiko na bisitahin at suportahan ang gawa ng Filipino artists.

Paalala rin nito, panatilihin ang pagsunod sa ipinatutupad na health protocols ng Safe City Task Force ng Taguig.

Virnalyn Amado

Please follow and like us: