National Children’s Dental Health Month, ipinagdiwang ng Jose Dalman Rural Health Unit

Ipinagdiwang ng Jose Dalman Rural Health Unit (RHU), sa Zamboanga del Norte, ang National Children’s Month na may paksang “Ngipin ay alagaan mula sa sinapupunan Para sa ngiting katandaan”.

Isinagawa ang aktibidad sa Municipal Gymnasium ng nasabing bayan.

Ang nasabing selebrasyon ay pinangunahan ng head ng Jose Dalman RHU, na si Doctor Mark John Daniel Lindo Brodith.

Pinasalamatan naman ng mga miyembro ng Jose Dalman RHU ang mga dentistang dumalo, na kinabibilangan nina Dr. Jay Perrine, Dr. Cliss Paul Tabiliran, Dr. Nancy Hinampas, at Dr. Rosalie Lacaya, na nagbigay ng flouride services sa mga kabataan.

Pinasalamatan din nila ang alkalde ng bayan na si Mayor Rachel Dalman Ferrater, sa tulong at suporta, kaya’t naging matagumpay ang naturang aktibidad.

Ulat ni Jerome Ladion

Please follow and like us: