National Museum of the Philippines Complex sa Maynila bukas na sa publiko

Simula ngayong araw, bukas na ulit sa publiko ang National Museum of the Philippines Complex sa Maynila.

Matatandaang isinara pansamantala ang National Museum simula noong Hunyo 6 para bigyang ang mga preparasyon para sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa mga isinara pansamantala ay ang National Museum of Fine Arts, Anthropology at at Natural History.

Ang mga nasabing museo ay bukas mula 9am hanggang 6pm.

Libre ang entrance rito at hindi na rin kailangan ng reservation.

Paalala naman sa mga magpupunta, sumunod parin sa health protocol at magsuot ng face mask.

Madelyn Villar -Moratillo

Please follow and like us: