Apat na mangingisda na nalunod sa Davao Gulf, ligtas na

Apat na mangingisda ang nailigtas ng lumubog ang kanilang “fishing boat” na habang tumatawid ng Davao gulf.

Ayon sa mga biktima na kinilalang sina Arnel Tulibas, Joey Rizare, Paul Salvega at Norman Cabutchao, kapwa mga risedente ng Brgy. Panacan, Davao City, kalmado at maaliwalas naman ang karagatan ng magtungo sila sa Vanishing Island, ng Island, Garden City of Samal, upang mangisda noong Enero 10, 2018.

Subalit noong bandang ika 1:30 ng hapon sa araw ding yaon ay biglang lumakas ang alon kaya naman dali-dali na silang bumalik subalit sa kanilang pagtawid nagkaproblema ang makina ng kanilang bangka hanggang sa sila ay lumubog.

Nasulyapan naman sila ng mga naglalayag sa Isla na agad namang nagbigay ng agarang saklolo sa pamamagitan ng kanilang patrol boat.

Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang apat na lulan ng bangka sa tulong nina Rodney Binaoro (assistant PFSO) S/G Abdulbasit Atog at S/G Mohammad Kibao.

Ayon sa mga nailigtas subrang lakas ng “ current “ ng dagat kaya sila ay halos iniikot ikot hanggang sa tuluyang tumaub ang kanilang sinasakyan.

Ulat nina Saylan Wens/Erwin Litao
picture ctto: Edwin Auguis

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *