Dalawang magnanakaw ng motorsiklo, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City

Sa pamamagitan ng sumbong ng mga concerned citizen sa pagbaklas ng mga piyesa at parte ng mga motorsiklo,  nadiskubre ng mga pulis ang iligal na gawain ng dalawang magnanakaw.
Rumesponde agad ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) -Station 6 sa Sorsogon st., Barangay Payatas kaninang madaling-araw.
Pero ang mga suspect, agad na nagpaputok ng baril nang matunugang may mga pulis.
Matapos ang palitan ng putok, dead on the spot ang mga suspect na hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan.
Patuloy pang inaalam ng mga pulis kung kabilang ang mga ito sa isang sindikato at kung gumagawa pa ang mga ito ng iba pang modus gaya ng hold-up.
Narekober sa mga suspect ang dalawang motorsiklo at dalawang calibre 38 baril na ginamit sa pakikipagbarilan.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *