DOTr hinikayat ni Senadora Grace Poe na bumuo ng win win solution sa jeepney modernization

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang department of transportation na bumuo ng win win solution para sa jeepney modernization program.

Sa harap ito ng dalawang araw na transport strike para iprotesta ang umanoy planong pag phase out sa mga jeep.

Ayon kay Poe, hindi dapat magresulta ang modernisasyon sa kawalan ng kabuhayan ng mga jeepney drivers, na kadalasa’y mahihirap.

May basehan naman aniya ang sentimiyento ng mga operator at driver kung saan, dapat aniya’y dahan-dahan ang phase-out o pagtatanggal sa mga jeepney.

Ang pag phase kasi aniya sa mga jeep ay nangangahulugan din ng pagkawala ng kabuhayan lalo ng mga mahihirap.

Nauna nang umalma ang grupong PISTON dahil posibleng mabaon sa utang ang mga drivers kung kakagat sa alok na jeeney units ng gobyerno na nagkakahalaga ng 1.6 million pesos.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *