Kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos, nilinaw na mga miyembro ng BEI ang testigo nila sa ilang lugar sa Mindanao kaugnay ng kaniyang poll protest

Sinagot ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang pagtawag sa kanila ng abogado ni Vice-President Leni Robredo na sinungaling matapos na hindi rehistradong botante ang mga testigo nito sa ilang lugar sa ARMM na kinukwestyon nito ang resulta ng eleksyon.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, ang mga pangalan sa kanilang witness list ay mga miyembro ng board of election inspectors sa Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao na naka-duty sa araw ng halalan noong Mayo 2016.

Nilinaw pa ni Rodriguez na tinukoy nila ang mga BEI members bilang mga testigo at hindi registered voters.

Dahil physically present anya ang mga BEI members sa panahon ng halalan ay makakatestigo ang mga ito kung totoong may nangyaring botohan sa mga naturang lugar o pre-shaded na ang mga balota doon.

Ito anya mismo ang dahilan kung bakit hiniling ni Marcos na magsagawa ng technical examination sa election data sa Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao.

Ang kailangan lang anyang gawin ay ikumpara ang lagda ng aktuwal na botante para malaman kung may nangyaring dayaan noong 2016 elections.

May kopya ng ilan sa election day computerized voters’s list sina Marcos sa mga nabanggit na armm provinces kung saan may discrepancies sa lagda ng mga registered voters at sa lagda ng mga mismong bumoto noong eleksyon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *