Malakanyang umaasang pagtitibayin ng Kongreso ang hinihinging martial law extension sa Mindanao.

Tiwala ang Malakanyang na makakalusot sa joint session ng kongreso ang hinihinging martial law extension sa Mindanao.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malinaw ang assessment ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense bilang martial law implementor at administrator na nananatili ang banta ng terrorismo sa Mindanao.

Ayon kay Roque pangunahing isinasaalang-alang ni Pangulong Duterte ng paghingi sa kongreso ng martial law extension ay nakasentro sa seguridad ng publiko sa rehiyon ng Mindanao dahil sa patuloy na recruitment ng Maute ISIS inspired group.

Umaasa din ang Malakanyang na maipaliliwag nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa joint session ng kongreso ang panig ng executive department kung bakit kinakailangang palawigin pa ang pagpapairal ng martial law sa Mindanao.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *