Paglilitis kay dating Senador Jinggoy Estrada para sa kinakaharap na plunder case, nagsimula na ngayong araw

Sinimulan na ng Sandiganbayan ang unang araw ng paglilitis kay dating Senador Jinggoy Estrada para sa kanyang plunder case kaugnay ng pork barrel scam.

Ang trial ay sinimulan matapos magkasundo ang depensa at prosekusyon na totoong kopya ng mga dokumento ang isinumite bilang ebidensya.

Kinasuhan si Estrada ng umano’y pagbulsa sa 183 million pesos na kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund na sinasabing ginamit sa mga pekeng proyekto sa pamamagitan ng mga pekeng foundations ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *