Pangulong Duterte personal na bumisita sa Russian warship sa Manila South Harbor

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Russian guided  missile cruise ship  Varyag na nakadaong sa Manila South Harbor.

Ang Russian warship na kabilang sa Russian Navy Pacific Fleet ay nasa Manila para sa limang araw na goodwill visit.

Mahalaga ang pagdalaw ng Russian warship para maging familiar ang Philippine Navy sa ibang modern warship bukod sa US warship na malimit bumisita sa bansa.

Ang Pangulo ay nakatakda ring magsagawa ng state visit sa Russia sa susunod na buwan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *