Pangulong Duterte, tinawag na “basura” ang mga ebidensya ni Senador Antonio Trillanes laban sa anak niyang si Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty. Mans Carpio

Itinuring na “basura” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  mga ebidensya ni Senador Antonio Trillanes laban kina Presidential son-in-law Atty. Manases Carpio at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa smuggling sa Bureau of Customs.

Sa kaniyang naging talumpati sa 11th founding celebration ng Eastern Mindanao Command naval forces sa Davao City, sinabi ng Pangulo na mula pa noong nangangampanya siya sa 2016 Presidential elections ay puntirya na siya ni Trillanes.

Ayon pa sa Pangulo, hindi niya palalapagpasin ang mga paninira ng senador laban sa kanyang anak at kung mayroon mang ebidensya ay dapat ituring itong pawang mga basura.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *