PDEA, magsusumite ng data ng anti drug war ng Duterte administration sa ICC

Nakahanda ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na isumite ang kanilang data kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration sa International Criminal Court (ICC) kung saan nahaharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamong crime against humanity.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PDEA spokesman Derick Carreon handa nilang ihain sa ICC prosecutor ang hawak nilang records ng mga nagawang operasyon laban sa iligal na droga kung ito ay isu-summon.

Ayon kay Carreon nakadepende sa proceedings ng ICC at hindi nila ito maaring pangunahan.

Inihayag naman ni Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag na tiwala silang walang basehan ang reklamong crime against humanity na kinakaharap ni Pangulong Duterte dahil sa anti-drug war kung saan marami ang napapatay na sangkot umano sa iligal na droga.

Si Senador Antonio Trillanes ang nagsusulong na malitis si Pangulong Duterte sa ICC dahil sa umanoy crime againts humanity dahil sa anti drug war na iniuugnay sa mga kaso ng extra judicial killings.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *