Prangkisa ng mga jeepney operators na lumahok sa 2 araw na transport strike, nakatakdang kanselahin

Nakatakdang kanselahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga jeepney operators na sumali sa dalawang-araw na transport strike.

Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, pinagbabawalan ang mga transport operators na ito na suspendihin ang kanilang operasyon sa ilalim ng terms and conditions ng kani kanilang prangkisa.

Sinabi ni Lizada na kinuhanan daw nila ng litrato ang mga jeepneys na nakilahok sa nationwide transport strike simula kahapon araw ng Lunes.

Iginiit din ng opisyal na walang impact sa publiko ang naturang transport strike.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *