Signal No. 1, nakataas sa 4 lugar dahil sa bagyong Ramil

Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) na nasa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon sa PAGASA, pinangalanan ang Tropical Storm na Ramil.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 km kanluran ng Roxas City at nasa labas na ito ng Panay Island.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at pagbugsong 70 kph.

Nakataas na sa ngayon ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Northern Palawan, Calamian Group of Island, Aklan at Antique.

Makararanas ang naturang mga lugar ng pag-ulan at pagbuso ng hangin na aabot sa 30 hanggang sa 60 kph.

Kung hindi magbabago ang bilis ng bagyo na 20 kph at direksiyon na pa-kanluran ay posibleng lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng madaling araw.

Dahil sa bagyo, makararanas din ng pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mindoro, Romblon at nalalabing bahagi ng Palawan.

Ang Visayas at Mindanao partikular sa Northern Mindanao, Zamboanga Peninzula at Caraga Region ay makararanas din ng pag-ulan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *