Trust rating ni Pang. Duterte, “excellent “ pa rin- SWS survey

Mataas pa rin ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na Marso ayon sa Social Weather Stations.

Batay sa survey na ginawa mula March 25-28 nakakuha ang Pangulo ng +70 %,  kumpara sa +72% nito noong December  2016.

Pero ayon sa  SWS, maituturing  pa  rin  itong excellent  katulad  ng  mga nakalipas  nitong  survey  simula  May 2016.

Nanatiling mataas ang tiwala ng mga nasa urban area sa Pangulo.

Binigyang-diin ng SWS na magkaiba ang trust rating sa satisfaction rating dahil ang tiwala  ay nasusukat sa  kabuuang personalidad habang ang satisfaction rating ay tinatanong ang publiko batay sa performance ng kanyang posisyon o trabaho.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *