Tsismoso’t tsismosa sa workplace, paparusahan na

Parurusahan na ang mga tsismoso at tsismosa sa lugar na pinagtatrabahuhan, gaya ng opisina, business establishment o anumang uri ng workplace.

Ito ay sa oras na maisabatas na ang House Bill 815 ni ‘Ako Bicol’ Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Sa “Anti-Office Bullying Act of 2016” na ito ni Batocabe, kasama sa isasama na gawing krimen ay ang mga nagkakalat ng mapanirang tsismis laban sa kaopisina dahil itinuturing itong anyo ng pambu-bully.

Pananagutin din ang Human Resource Management kapag walang ginawa ang mga ito para protektahan ang kanilang mga empleyado laban sa paninira ng kanilang kapwa empleyado sa loob ng kanilang opisina.

Pag-uusapan pa kung ano ang parusa sa mga tsismoso at tsismosa sa mga opisina at maging sa pagpapabaya ng kanilangHR officers.

Sinabi rin ng mambabatas na panahon na para supilin ang mga naninira sa mga kapwa empleyado na nakakaapekto sa pagkatao at trabaho ng mga biktima.

Karaniwang nagsisimula ang bullying sa mga opisina dahil sa inggit sa trabaho, gustong agawin ang posisyon ng sinisiraan o kaya minamaliit dahil sa kanyang ethic origin, religion, sexual orientation, social status, edad, political beliefs at iba pa.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *