NBI Counter- Terrorism Division Chief patay matapos barilin

Kinumpirma ng NBI na patay matapos barilin si NBI Counter- Terrorism Division Chief Raoul Manguera.

Binaril noong Lunes ng ng gabi, December 7 si Manguera sa loob ng tanggapan nito sa NBI Headquarters sa Maynila.

May tama ng baril sa kanyang tagiliran ang opisyal na tumagos sa kabilang bahagi ng katawan nito.

Dinala pa sa ospital si Manguera pero namatay din kaninang madaling araw ng Martes.

Naka-lockdown sa kasalukuyan ang NBI headquarters habang iniimbestigahan ang insidente.

Nagpaabot ng pakikiramay ang NBI sa pamilya ni Manguera.

Sinabi ni NBI OIC Eric Distor na isa si Manguera sa mga decorated na operatiba ng Counter Terrorism Division at naging instrumental sa pagkakadakip ng 39 terorista.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang pahayag ng DOJ kaugnay sa pagpaslang kay Manguera.

Moira Encina

Please follow and like us: