NBI iimbestigahan ang pagpaslang sa isang abogado sa South Cotabato

Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang pagpatay sa isang abogado sa South Cotabato.

Sa department order na inisyu ni Guevarra, ipinagutos din sa NBI na magsagawa ng case build-up sa pagpaslang kay Atty. Juan G. Macababbad sa Surallah, South Cotabato noong Setyembre 15.

Pinasasampahan din ng mga kaukulang reklamo sa NBI ang mga nasa likod ng krimen kung may makalap na sapat na ebidensya.

Si Macababbad ay binaril ng dalawang hindi pa kilalang salarin sa labas ng bahay nito sa Surallah, South Cotabato noong nakaraang Miyerkules.

Moira Encina

Please follow and like us: