NBI, iimbestigahan na rin ang pagpatay kay dating Batangas Representative Edgar Mendoza

Inatasan na ni Justice secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay at pagsunog sa mga labi ni dating Batangas 2nd District Representative Edgar Mendoza at dalawang tauhan nito.

Sa Department order no. 12 na may lagda ni Guevarra, ipinag-utos din sa NBI ang case build-up at paghahain ng kaso sa mga nasa likod ng pagpaslang kay Mendoza at sa driver at aide nito sa Tiaong, Quezon.

Binigyan ni Guevarra ang NBI ng 30 araw para isumite ng direkta sa kanyang tanggapan ang report sa itinatakbo ng imbestigasyon.

Una nang sinabi ng kalihim na tutulong ang forensic experts ng NBI sa pagsuri sa mga sunog na bangkay.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: