NBI natunton na ang dalawang close contacts ng pasaherong nagpositibo sa UK variant ng COVID-19

Natunton na ng NBI ang kinaroroonan ng dalawang close contacts ng unang kaso ng COVID-19 UK variant sa bansa.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nai-turn over na ng NBI sa DOH ang isa sa nasabing dalawang close contacts.

Nadiskubre naman anya na ng NBI ang lokasyon ng isa pang close contact ng unang Pinoy na nagpositibo sa UK variant ng COVID.

Ang dalawa anya ay kasama sa flight mula sa Dubai ng COVID patient.

Una nang hiningi ng DOH ang tulong ng DOJ sa contact tracing sa mga close contacts ng nasabing Pinoy na residente ng Quezon City na dumating sa bansa galing sa United Arab Emirates noong Enero 7.

Nag-negatibo na sa COVID ang pasyente batay sa pinakahuling swab test dito.

Moira Encina

Please follow and like us: