NCR at 79 HUCs, mananatili sa Alert Level 1; 41 Provinces at HUCs, nasa Alert Level 2 naman mula May 16-31, 2022

Pinagtibay ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong weekend na manatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) kasama ang 79 provinces at highly urbanized cities and component cities mula May 16 hanggang 31, 2022.

Habang isinailalim naman sa Alert Level 2 ang 41 provinces at highly urbanized cities and component cities.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar, ang desisyon ng IATF ay nakabatay sa scientific procedures na inirekomenda ng mga health expert sa pangunguna ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Andanar, nananatiling nasa low risk classification ang buong bansa sa kaso ng COVID-19.

Inihayag ni Andanar na patuloy na isusulong ng pamahalaan ang mass vaccination program laban sa COVID-19 sa nalalabing araw ng Duterte administration.

Vic Somintac

Please follow and like us: