NCR, ikatlo na lang sa listahan ng mga rehiyon na may naitalang bagong kaso ng COVID-19

Pumangatlo na lamang ang National Capital Region sa listahan ng mga rehiyon sa bansa na may naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health, nanguna parin ang Region 4A o Calabarzon sa may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 na umabot sa 817.

Pumangalawa naman ang Central Luzon na may 776 new COVID-19 cases.

Pumangatlo naman ang NCR na may 653 new cases.

Pero kung pagbabatayan naman ang listahan ng mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng aktibong kaso, nangunguna parin rito ang NCR na may 10,160 cases active cases.

Pumangalawa ang Calabarzon na may 8,030 aktibong kaso ng COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: