NCR, mapapasama lamang sa pilot face to face classes kung ibababa na sa Alert Level 2

Magkakaroon ng face to face classes sa National Capital Region o NCR kapag maibababa na sa Alert Level 2.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang NCR simula noong October 16 hanggang October 31 ay nasa ilalim ng Alert Level 3.

Ayon kay Roque ang Alert Level 3 ay hindi pa ligtas para magkaroon ng face to face classes batay sa evaluation ng Department of Education at Inter Agency Task Force.

Inihayag ni Roque na kung magpapatuloy ang pagbaba ng transmission rate ng Pandemya ng COVID-19 sa NCR posibleng maibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa buwan ng Nobyembre batay sa pagtaya ng Octa Research group.

Niliwanag ni Roque naumpisahan narin ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa Metro Manila na bahagi ng paghahanda para sa face to face classes.

Vic Somintac

Please follow and like us: