NCR plus 8 , posibleng makuha ang herd immunity sa Disyembre

Posibleng makuha ang herd immunity sa NCR plus 8 sa Disyembre kung hindi kakalat ang Delta variant sa Pilipinas.

Ayon sa OCTA research group , may labinpitong kaso ng Delta variant sa bansa na mula sa mga biyahero.

Nasa siyam na milyon na ang naiturok na bakuna sa bansa kung saan 3.87 na porsyento sa mga ito ay bakunado na.

Target ng Department of health na makapagbakuna ng 108,000 kada araw sa Metro Manila,Batangas, Bulacan,Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao sa pagdagsa ng supply ng bakuna sa bansa.

Dahil sa kasalukuyang pagtaas ng kaso, prayoridad sa pagbabakuna ang Cagayan de Oro, Bacolod, Baguio, Zamboanga,Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga, Legaspi at Iloilo city.

Please follow and like us: