NCR,muling nanguna sa mga rehiyon na may naitalang mataas na kaso ng COVID-19

Muling nanguna ang National Capital Region sa listahan ng mga rehiyon na may naitalang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19.

Sa June 10 COVID 19 situation report ng Department of Health, ang NCR ay nakapagtala ng 866 na bagong kaso ng COVID-19 infection.

Pumangalawa naman ang Region 4A o Calabarzon na may 800 new COVID 19 cases.

Sa mga nakalipas na araw ang Calabarzon ang nanguna sa listahan ng mga rehiyon na may mataas na bilang ng mga bagong kaso ng virus infection.

Pumangatlo naman ang Central Visayas na may 561 new cases.

Pasok rin sa Top 10 regions na may pinakamataas na bagong kaso Covid 19 ang ilang rehiyon mula sa Mindanao gaya ng SOCKSARGEN, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Davao Region.

Madz Moratillo

Please follow and like us: