Negros oriental,binisita ni Pangulong Duterte at ni Senador Bong Go

Personal na binisita nina Pangulong Duterte at Senador Bong go ang mga biktima ng bagyong Odette sa Negros Oriental kahapon kasama ang mga opisyal ng DSWD at Department of Agriculture.

Namahagi ang pangulo ng relief goods at mga essential supplies at inalam ang lawak ng pinsala ng bagyo doon.

Ayon kay Senador Go, personal na tinanong ng Pangulo ang mga biktima kung natanggap na ba ang limang libong cash assistance mula sa gobyerno.

Humingi rin aniya ng tulong ang mga residente na mabigyan ng kitchen at iba oang common good supplies tulad ng banig at kumot dahil lahat ng kanilang gamit ay nasira sa nagdaang bagyo.

Tiniyak naman ni Go na tutugunan ng gobyerno ang kanilang mga pangunahing pangangailangan .

Meanne Corvera

Please follow and like us: