New Era University, kasama sa listahan ng top performing school ng PRC

Inanunsiyo ng Philippine Regulation Commission (PRC), ang top performing schools sa bansa, kasama ang naging performance nito sa September 2021 Real Estate Appraiser Licensure Examination (REALE), at ang top examinees.

Ang New Era University (NEU) sa Quezon City, ay nakakuha ng 100 passing rate kung saan limang examinees ay mula sa College of Business Administration (CBA), na lahat ay pumasa sa REALE.

Photo: Official FB page of New Era University

Nakuha rin ng NEU ang ranked No. 1 sa kalipunan ng anim na eskuwelahan na may lima o higit pang examinees.

Si Lilia Salazar ng NEU ay ranked 8th place na may 84.50 percent rating.

Bilang isang private non-sectarian higher education institution, ang dating New Era College, ay pinagkalooban ng University status ng Commission on Higher Education (CHEd) noong June 10, 1995

Please follow and like us: