NHA nagbigay ng pinansyal na tulong sa ilang pamilya sa Laguna na totally damaged ang bahay dahil sa bagyong Rolly

Nakatanggap ng tig- Php10,000 mula sa pamahalaan ang ilang pamilya mula sa Laguna na ‘totally damaged’ ang bahay dahil sa bagyong Rolly.

Ayon sa Laguna Provincial Government, kabuuang 43 pamilya ang pinagkalooban ng National Housing Authority ng pinansyal na tulong para makaagapay sa pagpapagawa at pagsasaayos ng kanilang nasirang bahay.

Tatlumput-lima sa mga pamilya ay mula sa San Pablo City, isang pamilya ay mula sa Alaminos, at pitong pamilya mula sa bayan ng Bay.

Ang Laguna Provincial Social Welfare and Development Office ang namahagi ng nasabing financial aid mula sa NHA at nagsagawa ng assessment at panayam sa mga recipient na pamilya.

Moira Encina

Please follow and like us: