Nominasyon ng 3 opisyal ng Commission on Elections, Ipinagpaliban ng CA

Ipinagpaliban ng Commission on Appointment ang deliberasyon sa nominasyon ng tatlong opisyal ng Commission on Elections.

Nakatanggap kasi ng sulat ang CA mula kina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Ping Lacson na humihiling na ipagpaliban ang deliberasyon dahil sa canvassing ng boto sa pagka Pangulo at pangalawang Pangulo ng bansa.

Miyembro kasi ng National Board of Canvassers ang ilan sa mga Senador at Kongresista.

Nakatakda sanang isalang ang kumpirmasyon nina Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, Comelec Commissioner George Erwin Garcia at Aimee Neri.

Samantala bukod sa tatlong opisyal ng Comelec, ipinagpaliban rin ang pagdinig sa kumpirmasyon nina Civil Service Chair Karlo Alexi Nograles at COA Chair Rizalina Justol.

Meanne Corvera

Please follow and like us: