Northeast Moonsoon at Tail end of Frontal system nakakaapekto sa bansa ngayon

Tail-end of a Cold Front ang nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa partikular sa mga lalawigan sa Hilaga at Central Luzon. 


Ayon sa PAGASA, makakaranas ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mga kalat kalat na pag-ulan dulot ng thunder storm ang mga lalawigan ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon kasama na ang Bicol Region. 


Habang ang Metro Manila, Ilocos region, at ang nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan dahil sa epekto ng northeast monsoon.


Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mga isolated rain shower o thunder storm.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: