Northern Samar Provincial Gov’t bumuo na ng task force para higpitan ang pagpapatupad ng pagsusuot ng faceshield at facemask

Bumuo na ng Task Force ang Northern Samar para mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar sa buong lalawigan.

Ito ay dahil sa tumataas na bilang ng mga nagkaka Covid 19 sa buong Northern Samar.

Itinalaga ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan ang PNP Provincial Office na manguna sa mga pagpapatupad ng mandatory wearing of face shield and face mask.

Ayon kay Gov. Ongchuan dati na umanong may pinirmahan itong  ordinansa kaugnay ng pagsusuot face mask at face shield noong pang Mayo, subalit hindi ito sinusunod ng publiko dahil sa mababang kaso pa noon ng COVID-19 sa lalawigan.

Inaatasan din ni Governor Edwin Ongchuan ang Northern Samar Provincial Police Office na tiyaking masusunod ng bawat isa kautusang ito lalo na ang publiko maging ang mga empleyado at agad na patawan ng multa ang mga hindi susunod.

Jet Hilario

Please follow and like us: