Noveleta Cavite Mayor Dino Reyes-Chua, Nagpasalamat sa Iglesia ni Cristo dahil sa mga ipinagkaloob nitong mga relief goods sa kanilang bayan

Nagpasalamat sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo si Noveleta Cavite Mayor Dino Reyes-Chua dahil sa ipinagkaloob nitong saku-sakong relief goods na ipamimigay ng INC sa isasagawa nitong Lingap sa Mamamayan sa Oktubre 31 para sa mga residente sa bayan na naapektuhan ng Covid 19 pandemic. 


Ang isasagawang Lingap sa Mamamayan ng INC sa sabado ay bilang paggunita sa kaarawan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.


Pinasalamatan din ng alkalde, ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa tulong na ipinagkaloob ng INC para sa kanilang bayan sa Noveleta Cavite.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: