Office of the VP at USAID inilunsad ang libreng training program para sa mga out-of-school youth at mga walang trabaho

Nagsanib-pwersa ang United States Agency for International Development, Philippine Business for Education, at ang Office of the Vice- President para magkaloob ng libreng skills training sa mga out-of-school youth at mga unemployed.

Ayon sa US Embassy, tinatayang mahigit 1,000 walang trabaho at mga out-of-school na kabataang Pilipino ang makikinabansa sa TrabaHOPE program ng OVP, at YouthWorksPH ng USAID AT PBEd.

Magiging co-sponsor ang OVP sa pangangailangan sa training ng 18-30 anyos na mga kabataan na kwalipikado sa YouthWorksPH na libreng technical-vocational program sa mga kabataang hindi nag-aaral at sa mga walang trabaho.

Kabilang sa sasagutin ng OVP ang daily allowance, hands-on materials,internet allowance at pre-employment support ng mga lalahok.

Ang YouthWorks naman ang magkakaloob ng learning devices, online mentoring, online/blended tech-voc training, in-company training, at TESDA national certification.

Moira Encina