Oil price hike, asahang muli sa mga susunod na araw

Matapos ang rollback, asahang muli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Batay sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines, maaaring tumaas ng P8.00 hanggang P8.30 ang kada litro ng diesel.

Habang nasa P2.90 hanggang P3.10 naman ang maaaring itaas sa kada litro ng gasolina.

Karaniwang inaanunsyo ang price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad ng Martes.

Please follow and like us: