Oil price rollback, ipatutupad bukas, Aug. 10

Magpapatupad ng oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis epektibo bukas, Martes, August 10.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., nasa P0.65 ang ibababa nila sa presyo ng gasolina, P0.70 sa diesel at P0.75 naman sa kerosene.

Magpapatupad din ng kaparehong rollback sa presyo ang Cleanfuel maliban sa kerosene.

Inaasahang magiging epektibo ang rollback ng Shell, alas-6:00 ng umaga bukas habang alas-8:01 ng umaga naman ang sa Cleanfuel.

Wala pang anunsyo ang iba pang oil firms.

Please follow and like us: