Oil price rollback, ipatutupad bukas

Nag-anunsyo ang ilang kumpanya ng langis ng oil price rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo simula bukas, Martes, July 27.

Ito ay matapos ang ilang buwang sunud-sunod na oil pice hike.

Sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation na nasa 0.75 sentimos ang rollback sa presyo ng kanilang gasolina, 0.60 naman sa diesel at 0.60 sa kerosene.

Parehong price rollback din ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.

Inaasahang Martes ng alas-6:00 ng umaga ipatutupad ang price rollback habang alas-8:00 naman ng umaga sa Cleanfuel.

Huling nagpatupad ng price rollback ang mga kumpanya ng langis noong nakalipas pa na May 18, 2021.

Please follow and like us: