One on one meeting nina PRRD at President-elect BBM, wala pang schedule

Wala pang takdang petsa ang inaasahang one on one meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at President elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sinabi ni Cabinet secretary Melvin Matibag basta bago ang inauguration rites ni Marcos sa June 30 ay tiyak na magkikita sila ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Matibag nais ni Pangulong Duterte na maisalin ng maayos ang poder ng pamahalaan kay Marcos.

Inihayag ni Matibag naihanda na ng presidential transition committee na pinamumunuan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang lahat ng mga dokumento ng pamahalaan na may kinalaman sa governance na ipapasa sa papasok na Marcos Administration.

Vic Somintac

Please follow and like us: