Online registration para sa mga senior citizens at iba pang health workers na gustong mabakunahan kontra COVID-19, sinimulan na ng Santa Rosa City, Laguna LGU

Maaari nang magpa-rehistro online ang mga senior citizens at mga medical workers na nais magpabakuna laban sa COVID-19 sa Santa Rosa City, Laguna.

Ayon sa Santa Rosa City Government, ang nasabing priority group muna ang kailangang magpa-rehistro dahil sila ang uunahin sa oras na dumating na ang mga bakuna sa lungsod.

Ang mga senior citizens ay ang may edad na 60 years old pataas, at ang mga medical personnel ay ang parehong mula sa pribado at pampublikong pagamutan na hindi pa nababakunahan.

Kabilang din sa mga health workers na pwedeng mag-register ay ang mga non-professionals gaya ng medical students, nursing aides, at janitors ng mga healthcare facilities.

Samantala, umakyat na sa 340 ang active cases ng COVID-19 sa Santa Rosa matapos madagdagan ng 63 bagong kaso.

Moira Encina

Please follow and like us: