Operasyon ng consular offices sa ilang lugar, sinuspinde dahil sa Bagyong Florita

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs (DFA-OCA) ang publiko sa suspensyon ng operasyon sa ilang consular offices nito dahil sa bagyong Florita.

Partikular sa sinuspinde pansamantala ang operasyon ay ang consular office sa San Nicolas sa Robinsons Place Ilocos, Ilocos Norte at sa CO Santiago sa Robinsons Place Santiago, Isabela.

Ang mga apektadong aplikante na may confirmed appointments ay makatatanggap ng email o text message mula sa CO na nagpapabatid ng bago nilang appointment date.

Magpapatuloy ang operasyon ng mga nasabing tanggapan sa Miyerkules, Agosto 24.

Moira Encina

Please follow and like us: