OPAPP pabor na ipagpaliban ang BARMM elections sa susunod na taon

Sinusuportahan ni OPAPP Secretary Carlito Galvez ang panukalang maipagpaliban ang eleksyon sa BARMM sa 2025 na nakatakda sana sa susunod na taon.

Sa panukala, aamyendahan ang section 13 ng article 16 ng Bangsamoro organic law para mapalawig ng tatlong taon ang termino ng mga nakaupong opisyal ng BARMM.

Sa pagdinig ng Senado sinabi ni Galvez na buo ang suporta ng gobyerno sa panukala na mapalawig pa ang termino ng mga nakaupong opisyal sa BARMM.

Hindi raw kasi sapat ang tatlong taong termino ng mga kasalukuyang opisyal para sa ginagawang transition.

Nakakaapekto rin aniya rito ang problema ngayon sa COVID-19.

Nakikita rin aniya ng pangulo ang mahalagang papel ng BARMM officials para mapanatili ang Peace and Order sa Maguindanao.

Meanne Corvera

Please follow and like us: