Oras ng operasyon ng Bureau of Immigration, pinahaba ngayong MECQ

Mas pinahaba na ng Bureau of Immigration (BI) ang oras ng operasyon nito ngayong inilagay na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, at ilan pang lalawigan.

Sa abiso, sinabi ng BI na bukas ang kanilang mga opisina sa NCR Plus mula 8AM hanggang 4:30PM.

Pero, asahan na ang pagbagal sa proseso dahil sa mananatiling skeleton workforce ang operasyon ng kawanihan.

Maximum ng 50% operational capacity lamang din sa mga tanggapan ng BI sa MECQ areas.

Operational pa rin naman ang BI Main Office online appointment system.

Normal naman ang operasyon sa iba pang opisina ng BI sa mga lugar na hindi apektado ng ECQ o MECQ.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: