Overseas extended voter registration, hanggang ngayong araw na lang

Nagpaalala ang Commission on Elections sa mga Filipino na nasa ibang bansa na hanggang ngayong araw na lamang, Oktubre 14, sila maaaring magparehistro para makaboto sa May 2022 National at Local elections.

Ang overseas voter registration ay natapos na sana noong Setyembre 30 pero pinalawig ito ng Comelec hanggang ngayong araw.

Pinaalalahanan naman ng Comelec ang mga magpaparehistro na tingnan muna ang operation hours sa mga Embahada bago magpunta para makasiguro.

Sa pagpunta sa mga Embahada, dapat may dala ng accomplished registration form na maaaring ma-download sa Irehistro for Overseas Voting.

Para naman sa mga narito sa bansa, ang extended voter registration ay tatagal hanggang Oktubre 30.

Madz Moratillo

Please follow and like us: