P 1.5 Billion na halaga ng mga smuggled products,nasabat sa isang warehouse sa Valenzuela City

Aabot sa 1.5 bilyong pisong halaga ng mga smuggled na produkto ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs at Armed Forces of the Philippines sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Ayon sa BOC, kabilang sa mga nasabat ay mga pekeng produkto gaya ng mga bag, bed sheet, sabon, lotion, pabango at ilang luxury brand.

May mga nakita ring imported na construction materials, gamit sa bahay, appliances, at iba pang gamit.

Sa ginawang raid sa nasabing warehouse, may mga nakita ring sangkap sa paggawa ng sigarilyo.

Matapos mainspeksyon, ikinandado naman ng raiding team ang mga gate papasok at palabas ng nasabing warehouse.

Nakatakda namang maglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban dito dahil sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines at Customs Modernization and Tariff Act.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: