P20-M halaga ng mga ukay-ukay, nasabat ng BOC sa Pasay City

Aabot sa 20 milyong pisong halaga ng mga ukay-ukay ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang bodega sa Pasay City.

Ayon sa BOC, nasa 4,000 bulto ng mga ukay-ukay ang kanilang nasabat sa nasabing bodega.

Naglabas na rin ng warrant of seizure and detention ang BOC Port of Manila laban dito.

Patuloy din ang kanilang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod nito.

Sa ilalim ng RA 4653 ay bawal ang commercial importation ng used clothings o mga ukay-ukay sa bansa.

Madz Moratillo

Please follow and like us: