P 96.6 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat ng BOC

Aabot sa 4 na 40-footer container van na may lamang smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Davao.

Ayon sa BOC, ang shipment ay nagkakahalaga ng 96.6 milyong piso na naka-consign sa Allycorp International Inc.

Ang shipment ay idineklara bilang mga plastic cups at mga tela.

Sinabi pa ng BOC, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa iligal na kargamento kaya naman agad itong isinailalim sa physical examination.

Dito nadiskubre na kahon kahon pala ng sigarilyo ang laman nito.

Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at iligal na importasyon ng tobacco products.

Madz Moratillo

Please follow and like us: