P500 kada tao para dumalo sa campaign rally ng Lacson-Sotto tandem, Inialok

Ibinunyag ni Senador Ping Lacson na inalok ang isa sa kaniyang mga supporter para magkaroon ng mga participant sa kanilang mga campaign rally .

Ayon kay Lacson, maari raw hakutin ang mga tao sa Luzon region para dumalo sa kanilang mga programa ng katandem na si Senate president Vicente Sotto kapalit ng limandaang piso.

Ang mga dadalo raw manggagaling pa sa Payatas, Caloocan, Mandaluyong sa Metro manila at Rizal.

Sa ibinigay ng impormasyon sa kanila ang mga ito rin ang dumadalo ng rally ng ibat-ibang mga kumakandidato pero tinanggihan nila ito.

Hindi raw nila masisi kung bakit marami ang sumasama sa ganitong mga kampanya dahil marami pa ring pinoy ang hirap sa buhay dahil sa epekto ng pandemya .

Ang tambalang Lacson at Sotto ay nag- ikot sa Zamboanga city at nagsagawa ng mga townhall meeting ngayong  araw.

Nag courtesy call sila kay Zamboanga mayor Climaco kasama ang ilang kandidato sa pagka Senador.

Meanne Corvera

Please follow and like us: