Pacific Drive sa Cavitex, bukas na sa mga motorista

Bukas na sa mga motorista ang alternatibong daan sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) via Pacific Drive. 

Inaasahang makapagbibigay ng serbisyo ito sa nasa mahigit 90,000 motorista kada araw.

Ang pagbubukas ng Pacific Drive ay makatutulong sa Roxas Boulevard entry na bahagi ng “Enhancement Project” sa 14-kilometer expressway.

Maaari na ring pumasok sa Cavitex ang mga motorista sa pamamagitan ng pagdaan sa Macapagal Blvd. para makaiwas sa trapiko sa Pasay City-Roxas Boulevard at sa Parañaque patungong Maynila.


Maaari na ring kumuha ng Easytrip Radio Frequency Identification (RFID) ang mga motorista sa CAVITEX. 

Jet Hilario

Please follow and like us: