Pag-aaral para sa pagbabakuna sa mga menor de edad, pinabibilisan

Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang mga eksperto na bilisan ang pag-aaral sa mga panukalang bakunahan na ang mga menor de edad laban sa Covid-19.

Ito’y para masimulan na rin ang pilot testing ng face to face classes sa mga lugar na limitado ang kaso ng Covid-19.

Sinabi ni Go, Chairman ng Senate Committee on Health na kailangang buksan na ang mga eskuwelahan dahil sa epekto nito sa ekonomiya.

Pero dapat aniyang matiyak na hindi malalagay sa balag ng alanganin ang mga kabataan at dapat matiyak na mabibigyan sila ng sapat na proteksiyon.

Wala naman aniyang  magiging problema sa suplay dahil tuluy-tuloy na ang pagdating sa bansa ng mga bakuna.

Meanne Corvera

Please follow and like us: