Pagbabakuna ng Covid-19 Pfizer vaccine sa 5-11 age group sa Switzerland, aprubado na

Inaprubahan na ng Switzerland ang pagbabakuna kontra Covid-19 ng Pfizer sa mga kabataang nasa edad 5 hanggang 11.

Batay sa ulat, Comirnaty vaccine ang gagamitin kung saan ibinibigay ito ng 2 dosage ay may 10 micrograms.

Tatlong linggo ang magiging pagitan ng una at ikalawang dose ng bakuna.

Sa kasalukuyan, dumanas na ng ikatlong wave ng Covid-19 infection ang Switzerland.

Nauna nang pinayagan ang pagtuturok ng Covid-19 vaccine sa nasabing age group sa mga bansang Portugal, Italy, Greece, Spain, Canada, Chile at Estados Unidos.

Please follow and like us: